Sunday, January 3, 2010
Saan Ka Uupo: Sa Harap O Sa Likod?
Bakit tuluyang tinikom iyong bibig.
Gayong ang awit mo'y lubhang kailangan,
Iyong mga anak nalihis ang daan.
Ba't kailangang tulog at di gumising,
Iyong pangako'y, di kami lilimutin.
LuzViMinda, 'Nay, tuluyan bang nawala?
Bangon na't gumabay, kami'y 'wag gawing ulila"
-Prometheus
Nagsimula ang 'Ikalawang Digmaang Pandaigdig' sa Pilipinas noong Disyembre 8,1941. Natapos ito noong Mayo 8, 1942. Samakatuwid, maliit na bahagi lamang ng pangil ng digmaan ang naramdaman ng ating bansa. Kung tutuusin ay wala pa ito sa naramdamang sakit at hirap ng ibang mga bansa nang sila ay sakmalin ng init ng mga pangyayari.
Tingnan na lang natin ang bansang Hapon(Japan).
Noong Agosto 6, 1945, sa bisa ng Potsdam Declaration na ipinatupad ni President Harry S. Truman, ibinagsak si "Little Boy", o mas kilala bilang Atomic Bomb sa lungsod ng Hiroshima.
Hindi pa dito natapos ang lahat.
Noong Agosto 9, 1945, pinasabog naman ang bombang si "Fatman(isa ring Atomic Bomb)" sa lungsod ng Nagasaki.
Matapos ang mga pangyayaring ito, isang malaking delubyo ang naganap sa aspetong pang-ekonomiya, sosyal, at kahit na sa aspetong heograpikal ng bansang Hapon. Kumitil ng humigit-kumulang 140,000 katao sa Hiroshima, at humigit-kumulang 80,000 katao sa Nagasaki ang mga atomic bombs. Sa mga ito, 18 hanggang 20 pursyento lamang ang namatay dahil sa mga pinsalang natamo sa katawan. Ang mga natirang pursyento ay namatay dahil sa leukemia, solid cancer, at kung anu-ano pang sakit na dulot ng radiation ng mga bombang nasabi.
Ngunit hindi sumuko dito ang mga Hapon. Nilagay nila sa kanilang mga puso't isipan na babangon sila at muling mamayagpag bilang isang makapangyarihan at maimpluwensyang bansa.
Noong mga panahong iyon ay ubod ng yaman ang Pilipinas kung ihahambing sa bansang Hapon. Iyon ang mga panahon kung saan lubos ang ligaya ng mga tao sa Pilipinas dahil sa kaginhawahan na kanilang natatamasa.
Tingnan naman natin ang lagay ng mga nasabing bansa(Pilipinas at Hapon) sa kasalukuyan:
Ayon sa Global Competitiveness Report Survey galing sa World Economic Forum para sa taong "2009".
1.)Switzerland
2.)US
3.)Singapore
4.)Sweden
5.)Denmark
6.)Finland
7.)Germany
8.)"Japan"
9.)Canada
10.)Netherlands
...
...
...
...
43.)"Philippines"
Anong mali? Animnapu't apat na taon ang nakaraan, kung may ganito nang survey, normal lang na mangulelat ang Japan at itanghal sa top 10 ang Pilipinas. Ngunit bakit ngayon, ito na ang kinalabasan?
Ekonomiya?
-Kumakain naman ng tatlong beses o higit pa sa isang araw ang karamihan sa mga pamilyang Pilipino.
Nae-LSS tuloy ako.
"Saan? Saan ako nagkamali?"
Sa aking pag-oobserba, ito ang mga nakitang kong problema:
1.)HINDI TALAGA NATIN MAHAL ANG ATING LAHI AT ANG ATING BANSA!
-Mahal mo ba talaga ang Pilipinas? Handa ka ba talagang makilahok sa mga paghihirap na kaakibat ng pag-unlad nito? Natural lang na maghirap ka sa simula. Ika nga eh, 'pag walang tiyaga, walang nilaga'. Pero hindi nilaga ang pinag-uusapan dito. Ito ay kung may mailalagay bang pagkain sa lamesa ang mga mahihirap natin kababayan. Ito ay kung may maliwanag na tanglaw ng araw pa bang makikita sa kalangitan ang mga susunod na henerasyon. Ito ay tungkol sa pag-unlad nating lahat! NATING LAHAT!
2.)TAYONG MGA PILIPINO AY HINDI TINUTULUNGAN ANG ISA'T-ISA!
-Oo. Marahil puwede mong ikatuwiran sa akin ang pagbubuklod-buklod ng mga Pilipino para tulungan ang mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Pero hindi ba't karamihan ng mga nai-donate natin ay puro mga butas na damit, lumang basahan, at yung mga basurang tela na talaga naman hindi na magagamit? Pera? Marami tayo niyan eh. Ngunit natatakot lang tayong pakawalan ito para sa mga taong hindi natin kaanu-ano. Tama, hindi ba? Yung mga goods na nai-donate sa mga nasalanta, iyan ay galing sa pera ng mga karatig nating bansa. Kulang pa nga iyon eh. Kung hindi lang napunta an 3/4 ng pondo sa bulsa ng mga tiwaling opisyal, sana may mga karne at saku-sakong bigas pang nai-donate.
3.)MGA MANLOLOKO TAYONG LAHAT!
-Ito ang problema sa ating mga Pilipino. Kapwa natin mga Pilipino, nilalamangan pa natin! Tingnan muli natin ang Japan. Hindi lingid sa atin na sila ang mga major exporters ng mga sikat na produkto gaya ng SHARP, Fujitsu, SONY, at marami pang iba. Mga produkto na talaga namang ilalaban mo ng patayan. Ngunit kung ang appliances mo ay galing sa 'Pateros Electronics'? Anong labang nyan sa SHARP? Kung iyan ay tatagal ng 30 araw, ang SHARP ay tatagal ng 30 taon! Bakit? Dahil tapat gumawa ang mga Hapon. Inuuna nila ang kalidad ng produkto bago ang kanilang mga sariling interes. Sawa ka na ba sa Japan? Sige. Sa Singapore naman tayo mapunta. Ang mga tindahan sa Singapore, kapag bumili ka, sasabihin sa iyo ang tunay na kalidad ng produkto. Walang labis, walang kulang. Dahil doon, kapag nanloko ang isang tindahan, papaskilang ng MANLOLOKO ITO ang labas ng tindahan(syempre sa salitang Singaporean yon noh.).
Huwag nating sisihin ang gobyerno. Huwag nating sisihin ang mga kinauukulan. Bago natin sila tingnan, tanungin muna natin ang mga sarili natin.
"Mahal ko ba talaga ang Pilipinas at ang mga Pilipino?"
"Sa isang International Convention na nadaluhan ko noong nakaraang linggo, may napuna akong isang kapansin-pansing bagay. Mahahalata mo kung sino ang mga Pilipino, dahil sila yung mga nakaupo sa may likuran. Samantalang ang mga nasa unahan, LAHAT HAPON! May nakita akong bakanteng upuan sa unahan. Dali-dali akong tumakbo at nakipag-unahan sa babaeng papaupo na sana doon. At pagkatapos, sabi ko sa kanya, 'Sorry. I'm a Filipino, and I deserve to here in front.' Sabay ngiti."
Bakit ako matatakot umupo sa unahan?
Bakit ako matatakot makipag-paligsahan sa kanila?
Isa akong Pilipino!
Anak ako ni Rizal!
Anak ako ni Bonifacio!
Pilipinas ang Bayan ko!
Hindi ko dala ang sarili ko, dala ko ang lahi ko at ang bansang kaakibat nito!
Ikaw? Saan ka uupo? Sa Harap o sa Likod?
P.S.: Sayang nga lang. Ang cute pa naman nung haponesa na inunahan ko. Papa-cute sana ako kaso iniisip niya na yata na bastos ako.. LOL
Saturday, January 2, 2010
Ang Bagong Taon Ni Prometheus
1.)Iiwasan nang maging isip-bata
-kasi naman eh. lagi ko na lang nabibigyan ng sama ng loob ang yabidabi ko. hirap tuloy kunin ulit yung tiwala nya.. tsk. tsk. tsk.
2.)Goodbye sa mga lumang accounts(fb, multiply, friendster)
-ayun. dineactivate ko na lahat ng old accounts ko sa mga nasabing sites. hirap kasi eh. dati, pag magse-search ka sa fb ng pangalan ko, mga 1375 yatang accounts yung lalabas. at least ngayon, proudly presenting, ang nag-iisang account. hahaha. ang tunay at walang katulad. ^_^
3.)Mas dadalasan ang paggawa ng blogs
-ewan ko ba. para akong babae these past few days and weeks. pag hindi ko nagustuhan ang isang blog, 'DELETE POST' button agad ang pipindutin ko. pero ngayon, kapag na-publish na, wala nang urungan 'to.
4.)Hindi na tatamaring maglaba ng mga damit
-hindi ko kasi ma-gets dati yung essence ng paglalaba ng sariling damit. dati kasi akala ko kaya ibinigay ng Diyos yung mga nanay eh para may tagalaba, tagaluto, tagalinis, at kung anu-ano pang 'taga' ang mga bata. mali pala.. ^_^
5.)Hindi na matatakot lumaban para sa tama
-ito seryoso na. may mga bagay kasi na akala natin, kapag tinakbuhan mo, ayos na. hindi pala ganon ang buhay. mas maganda pala kung fight ka ng fight, lalo na pag nasa tama ka. para sa bandang huli, wala kang pagsisisihan.
6.)Mas magbibigay ng simpatya sa paggising sa dugo ng mga Pilipino
-patay na ba ang mga taong nakaapak ang paa kay 'LuzViMinda'? alam ko na hindi. marahil ay tulog lang sila. kaya nga mas pagbubutihan ko pa ang paggawa ng maraming sulatin at lathalain na mag-iiwan talaga ng isang napakalaking ??? sa utak ng mga makakabasa. (???)hindi dahil hindi nila ma-gets. kundi dahil tinatanong nila ang mga sarili nila kung ano ba ang tama at ano ba ang mali.
7.)Huli, mas gagalingan ko pa ang paghuhugas ng pinggan(YEAH BOY!)
-madalas kasi may naiiwan pang kanin-kanin sa mga pinggan at kutsara.. LOL ^_^
Saturday, November 28, 2009
"Henyo"
“Bobo! Bobo!”, ang sabi ng teacher kay Juan na kasasagot lamang ng 11 sa tanong na one plus one.
“Ma’am, bakit po? Hindi ba’t tama naman ang sagot ko?”
“Ang one, dagdagan mo ng one, ang sagot ay eleven?! Ang tanga mo talaga! Sige nga! Ipaliwanag mo nga sa akin kung paanong nangyari iyon!”
“Ma’am, kasi po diba malungkot kapag mag-isa ka? Kaya nga po natin gustong magkaroon ng kasama eh. Para hindi na tayo malungkot. Siguro po ay ganon din ang mga numero. Kaya nung tinanong nyo ako ng one plus one, naisip ko, malungkot nga naman ang buhay ko kung ako lang mag-isa. Kaya syempre, kailangan ko ng kasama. At iyon ay yung isa pang one. Kaya kapag pinagsama mo ang dalawang ONE, syempre, magiging eleven iyon.”
“Eh pagsasamahin mo nga eh. Diba? Dapat ang isa, pag dinagdagan mo ng isa, magiging dalawa. Kaya dapat ay 2 iyon.”
“Alam nyo Ma’am, minsan, tinatanog ko sa sarili ko kung bakit kayo nakapasa sa pagtititser. Eh simpleng pagbilang lang hindi nyo pa alam. Kailang pa naging dalawa ang 2? Eh diba, isang numero lang iyan? Kaya ang tamang sagot dapat ay ‘11’. Kasi dalawang numero iyan. Isang 1, dagdagan mo ng isa pang 1, edi dalawang 1. Tangengot pala itong si Ma’am eh!”
“Ah basta! 2 ang sagot! Marunong ka pa sa akin, eh ako ang teacher!”
“Iyon na nga ang masakit sa amin Ma’am eh. Ikaw na nga ang teacher, mas marunong pa kami sa iyo!”
(PAGKATAPOS NG APATNAPUNG ARAW NA PAGDEDEBATE)
Mga Estudyante: Teacher! Teacher! Anong nangyari inyo?! Bakit kayo hinimatay? Dumudugo pa ang ilong n’yo!
(Si Juan noon, na nasa unang baitang pa lamang, ay kasulukuyang iniimbestigahan ng CIDG at sasampahan pa daw siya ng kaso ng kanyang guro na ihahain sa Korte Suprema dahil siya ay nagkasala ng pangangatuwiran at paghahayag ng sariling opinyon.) Kawawang Juan…
Aristotle. Plato. Socrates. Confucius. Albert Einstein. Wright Brothers. Alexander Graham Bell. Patrick Starfish.
Ilan lamang ang mga ito sa mga tanyag na pangalan dahil sa kakayahan nilang mag-isip. Mga “Henyo” kung ating tawagin. Sila ay yung mga taong malaki ang naiambag sa lipunang ginagalawan natin ngayon dahil sa kanilang mga imbensyon at pilosopiya.
Sa paaralan, ang mga mahilig magtaas ng kamay, ang mga highest palagi sa quiz, ang magaling mag-present ng thesis, maganda ang term paper, masipag magsulat, sipsip sa teacher, magaling magtago ng kodigo, mahaba ang leeg sa pangongopya. Iyan ay tinatawag rin nating mga henyo.
Sa trabaho, yung mga may magagandang performance chart, mga na-promote, perfect ang attendance(no late, no absent), mabilis mag-type, malakas ang loob, magaling magsalita, seksi at malalanding sekretarya. Mga SUPER HENYO iyan, para sa atin.
Ngunit, ano nga ba ang pamantayan ng pagiging henyo? Kailangan mo bang maging ‘excellent’ sa iyong ginagawa? Kailangan bang mag-imbento ng mga kahindik-hindik na makinarya? Kailangan mo bang magkaroon ng uno o ng mataas ng grade? Kailangan ba mataas ang pusisyon mo? Kailangan bang malaki ang sweldo mo?
Madalas, nakakalimutan natin, na tayong lahat ay mga henyo. Nakakalimutan natin na ang mismong kakayahan nating mag-isip, mangatuwiran, magpaliwanag ng mga bagay-bagay, magmahal, at manampalataya, ay isang malaki nang katibayan na tayo ay mga henyo. Samakatuwid, matawag ka lang na tao, isa ka nang henyo.
Sa Ifugao, walang ibang ikinabubuhay ang mga tao kundi ang pagsasaka. Ngunit nang mawalan na sila ng lugar na pagtatamnan, anong ginawa nila? Gumawa sila ng mga kapatagan sa kabundukan. Gumawa sila ng himala! Hindi ba iyan pagiging henyo?
Nung panahon ng diktaturya ni Marcos, at panahon ni Erap. Nagawang magtipun-tipon ng milyung-milyong mga tao sa EDSA upang gumawa ng pagbabago. Ang lakas ng kanilang loob, sa kabila ng mga armas ng mga militar na nagbabantay sa EDSA noon, ay hindi kayang sukatin ng kahit ano pang unit of measurement. Hindi ba ito simbolo ng pagiging henyo?
Nung dumating ang bagyong Ondoy, marami sa atin ang nawalan ng mga ari-arian, bahay, higit sa lahat, mga mahal sa buhay. Ngunit sa halip na umupo sa gilid at magmukmok, nakuha pa nating ngumiti at tumawa. Hinarap natin ang lahat ng ito ng may liwanag ng pag-asa sa ating mga mukha. Bagay na hindi maipaliwanag kahit ng mga dalubhasang psychologists. Sa tingin nyo, ang kakayahang italiwas ang ating mga emosyon sa takbo ng sitwasyon, hindi ba ito katibayan ng pagiging henyo?
Ang pagiging henyo ay hindi napag-aaralan. Ang pagiging henyo ay hindi natututunan.
Ang pagiging henyo ay namamana, isang bagay na nananalaytay na sa ating mga dugo kahit nung nasa sinapupunan pa lamang tayo. Ang curiosity natin, ang mga tanong na nabubuo sa isip natin, ang bawat silakbo ng damdamin sa tuwing inaapi ang ating bayan, ang pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa Dakilang Lumikha, lahat iyan ay manipestasyon ng pagiging isang henyo.
Huwag kang maniwala sa sasabihin ng kahit sino pa man tungkol sa iyo. Huwag mong hayaang apihin nila ang iyong kakayahang mag-isip. Huwag mong hayaang tapakan nila at durugin ng pinung-pino ang utak mo.
Kaibigan, isa kang Henyo! Pakawalan mo ito at ihandog sa buong mundo.
Kagaya ng mga Ifugao, patagin natin ang mga bundok na madadaanan natin sa buhay na ito.
Kagaya ng mga taong nagsama-sama upang gumawa ng pagbabago, huwag tayong matakot sa armas ng mga sundalo ng kahirapan.
Kagaya ng mga taong nasalanta ng bagyo, harapin natin ang lahat ng unos na darating ng may ngiti at ningning ng pag-asa sa ating mga mata. Kahit sampung Ondoy na sabay-sabay pa iyan, ngitian mo lang.
Mga Kapatid! Mga Pilipino! Halika. Umapak tayo sa daan ng bagong mundo. Pakawalan natin ang mga henyo na nasa ating mga kaibuturan.
Ako ay Henyo. Ikaw ay Henyo. Tayong lahat ay Henyo.
-Prometheus
sangredenoypi.blogspot.com
